Va tagalog wika mapagkukunan at tulong | veterans affairs
Va tagalog wika mapagkukunan at tulong | veterans affairs"
Play all audios:
Kumuha ng libreng tagapagsalin at impormasyon upang matulungan kayong maintidihan ang inyong pangangalaga sa kalusugan, mga benepisyo at mga serbisyo ng VA. PAANO MAKAKAKUHA NG LIBRENG
TULONG SA WIKA GALING SA VA KUMUHA NG LIBRENG TAGAPAGSALIN SA TELEPONO Tumawag sa aming pangunahing linyang impormasyong MyVA411 sa 800-698-2411. Piliin ang 0 para makonekta sa kinatawan ng
sentrong tawagan. Sabihin sa kinatawan na nais ninyo na may kasamang tagapagsalin sa Tagalog sa linya. Kami ay narito 24 oras sa isang araw at 7 araw sa isang linggo. KUMUHA NG LIBRENG
TULONG SA WIKA SA MEDIKAL SENTER NG VA Kung ikaw o ibang miyembro ng iyong pamilya ay nangangailang ng tulong sa wika, sabihin lamang sa isang kawani ng VA na nais mo ng isang tagapagsalin.
Maaari mo ring tanungin ang iyong koponan sa pangangalagang pangkalusugan sa VA na iugnay ka sa isang tagapagtaguyod ng pasyente ng VA. Ang mga tagapagtaguyod ng pasyente ay may mataas na
propesyonal na pagsasanay sa bawat sentro ng medisina sa VA. Sila ang nagtataguyod ng mga karapatan ng mga Beterano at ng kanilang mga pamilya na tumatanggap ng pangangalaga sa pamamagitan
ng VA. Ang iyong tagapagtaguyod ng pasyente ay maaaring makatulong sa iyo na makakuha ng mga serbisyo tulad nito: * Tagapagsalin sa ibang wika * Mga dokumentong naisalin upang matulungan
kang maunawaan ang ilang mga benepisyo at serbisyo sa kalusugan ng VA * Mga serbisyo para sa American Sign Language Kung hindi kayo nagsasalita ng Ingles, maaari kayong gumawa ng kopya ng
tarheta sa pagkakakilanlan ng wikang ito. Mangyaring lagyan ng tsek ang kahon sa tabi ng inyong wika. Pagkatapos, dalhin ang tarheta sa pinakamalapit na pangkalusugang pasilidad ng VA at
ibigay sa tauhan. I-download ang tarheta sa pagkakakilanlan ng wika (PDF) Hanapin ang pinakamalapit na pangkalusugang pasilidad ng VA (sa English) ------------------------- PAANO MAKAKUKUHA
NG TULONG PARA SA MGA ALALAHANIN SA PANGKALUSUGANG PASILIDAD NG VA Nais naming tiyakin na makakakuha ka ng pinakamahusay na pangangalaga mula sa VA. Mayroon kayong karapatang ibahagi sa amin
ang inyong mga alalahanin, mga pangangailangang hindi natugunan o mga hinaing kahit na anong oras. Hindi kailanman makakaapekto ang inyong mga alalahanin at hinaing sa inyong kapasidad na
makatanggap ng pangangalaga o kung paano namin kayo tratuhin. Kung hindi kayo sumasangayon sa inyong tagapabigay-kalinga ng VA o kung kayo ay may mga alalahanin tungkol sa inyong
pangangalaga, naririto kami upang tumulong: * Una, pumunta sa inyong pangkat ng pangangalaga ng kalusugan ng VA. * Kung mayroon pa kayong mga alalahanin, hilinging iugnay sa nangangasiwa sa
inyong tagapabigay-kalinga o sa hepe ng serbisyo ng inyong medikal senter ng VA. * Kung kailangan pa ninyo ng tulong, makipag-ugnayan sa inyong tagapagtaguyod ng pasyente ng medikal senter
Narito ang magagawa ng tagapagtaguyod ng pasyente para sa inyo: * Ibahagi ang impormasyon tungkol sa proseso ng hinaing sa Tagalog * Sagutin ang inyong mga katanungan at pakinggan ang inyong
mga alalahanin * Dalhin ang inyong alalahanin sa aming tauhan na makalulutas nito * Ipaliwanag ang iyong pananaw sa buong proseso ng paglutas ng reklamo * Siguruhing matatanggap ninyo ang
lahat ng mga benepisyong karapat-dapat sa inyo ayon sa batas * Tiyaking natatanggap mo ang lahat ng mga benepisyo na karapat-dapat sa iyo ayon sa batas Kung hindi ka nasiyahan sa resolusyon
sa iyong pag-aalala, maaari kang makipag-ugnay sa iyong tagapagtaguyod ng pasyente. Maaari nilang sabihin sa iyo kung mayroong anumang mga kahalili na dapat isaalang-alang. Hanapin ang
pinakamalapit na medikal senter ng VA (sa English) Basahin pa ang tungkol sa inyong mga karapatan at responsibilidad: Mga karapatan at responsibilidad ng mga pasyente ng VA at ng mga
naninirahan sa sentro ng pamumuhay komunidad ng VA (sa English) Mga karapatan at responsibilidad ng mga miyembro ng pamilya ng pasyente ng VA at ng mga naninirahan sa sentro ng pamumuhay
komunidad ng VA (sa English) ------------------------- ANG INYONG KARAPATANG SIBIL AT KUNG PAANO MAGHAIN NG REKLAMO SA DISKRIMINASYON Ayon sa batas, may karapatan kayo sa mga benepisyo,
serbisyo at programa ng VA na walang diskriminasyon ayon sa mga sumusunod: * Lahi, kulay, bansang pinanggalingan (kabilang dito ang nakakaintindi ng English o limitado ang kakayahan sa
English) * Etnisidad * Edad * Kasarian * Mga kapansanan Halimbawa, hindi maaaring tumanggi ang programa ng VA para sa inyong mga serbisyo o benepisyo dahil lamang sa isa sa mga nasabing
dahilan. Ang aming tauhan ay dapat gawin ang lahat upang makapabigay sa inyo ng mga libreng tulong o serbisyo upang makausap ng mabuti. Kabilang dito ang mga dokumentong malaki ang
pagkakasulat o ang serbisyong pagbibigay ng tagapagsalin. Ito ang inyong mga karapatan sa kahit anong programa ng VA at sa kahit anong programang tumatanggap ng pondo ng VA. PAANO MAGSAMPA
NG REKLAMO PARA SA DISKRIMINASYON Kung sa tingin mo ay dumanas ka ng diskriminsayon sa VA o sa programang pinopondohan ng VA, maaari kang magsampa ng reklamo sa aming programa para sa mga
panlabas na reklamo. ANO ANG KAILANGANG MALAMAN BAGO MAGSAMPA NG REKLAMO: * Ang programang ito ay para sa mga Beterano, mga tagapag-alaga, mga miyembro ng pamilya at iba pang gumagamit ng
benepisyo at serbisyo ng VA. Pwede kayong magsampa para sa sarili, kapamilya o kaibigan. Kung kayo ang tagapag-alaga o katiwala ng Beterano, maaari kayong magsampa ng reklamo para sa kanila.
* Kailangan ninyong magsampa sa loob ng 180 na araw na sa tingin ninyo nangyari ang diskriminasyon. Kung hindi kayo magsasampa sa loob ng 180 na araw, maaari ninyong ipaliwanag kung bakit
naghintay kayo bago magsampa ng reklamo. * Hindi ninyo kailangan ng abogado para magsampa ng reklamo. Ngunit, maaari kayong kumuha ng legal na representasyon kung nais ninyo. Para sa tulong,
tawagan kami sa . Tapos, piliin ang opsyon 4. TANDAAN: Kung kayo ay empleyado ng VA, kailangan ninyo ng ibang programa para magsampa ng reklamo. Alamin ang tungkol sa patas na karapatan ng
mga manggagawa ng VA (sa English)
Trending News
LutoO ex-lateral-direito Jancarlos, um dos destaques do Atlético no vice-campeonato da Libertadores em 2008 morreu ontem em ...
Ang pact act at ang iyong mga va benefits | veterans affairsAng PACT Act ay isang bagong batas na nagpapalawak sa VA health care at sa mga benepisyo para sa mga Beteranong nahantad...
Va tagalog wika mapagkukunan at tulong | veterans affairsKumuha ng libreng tagapagsalin at impormasyon upang matulungan kayong maintidihan ang inyong pangangalaga sa kalusugan, ...
Latests News
Va tagalog wika mapagkukunan at tulong | veterans affairsKumuha ng libreng tagapagsalin at impormasyon upang matulungan kayong maintidihan ang inyong pangangalaga sa kalusugan, ...
Ang pact act at ang iyong mga va benefits | veterans affairsAng PACT Act ay isang bagong batas na nagpapalawak sa VA health care at sa mga benepisyo para sa mga Beteranong nahantad...
LutoO ex-lateral-direito Jancarlos, um dos destaques do Atlético no vice-campeonato da Libertadores em 2008 morreu ontem em ...